Lunes, Disyembre 12, 2016

Hakbang Upang Maging Isang Mabuting Mag-aaral

Lahat ng mga kabataan ay naghahangad na maipagmalaki nang kanilang mga magulang lalong-lalo na sa langaran ng akademia. Gusto ng ating mga magulang na tayo'y makapagtapos ng pag-aaral sapagkat ito lang ang kanilang tanging maipapamana na magdadala sa ating sa tagumpay. Ginagawa nila ang lahat upang tayo'y mapadala sa isang magandang paaralan. Nagtatrabaho sila, mapa-araw man o gabi upang matustusan ang ating pangangailangan. Upang masuklian ang kanilang mga nagawang sakripisyo at paghihirap sa atin, karapat-dapat lamang na suklian natin ang kanilang mga naitustus. Ito ang ilan sa mga hakbang upang maging isang mabuting mag-aaral at anak na rin.

  • Pagkakaroon ng oras sa pag-aaral: Alam naman natin na sa panahon ngayon, marami ng mga teknolohiya o gadgets at mga online games sa ating paligid na nakakadisturbo sa ating sistema upang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Kinakailangan na magkaroon tayo ng time management o mas nakakabuti na planuhin kung anu-ano ang mga gagawin sa araw-araw kasama na ang pag-aaral.
  • Pagiging aktibo sa paaralan: Ang pagiging aktibo ay nakakatulong sa mga mag-aaral na makihalubilo at makakilala ng ibang tao at makakapagpataas ng confidence at self-esteem ng isang estudyante.
Ilan lamang ito upang maging isang mabuting estudyante. Nakasalalay ang lahat ng ito sa iyong sarili lamang. Ikaw mismo ang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa pagiging isang mag-aaral.